CHINA – Sumabog ang isang Taiwanese cargo ship matapos itong masunog habang nasa Ningbo-Zhoushan Port sa China.
Ayon sa ulat, nakadaong ang YM Mobility sa naturang port nang maganap ang insidente.
May laman umanong “hazardous goods” ang YM Mobility na pag-aari ng Yang Ming Marine Transport Corp.
Sa lakas ng pagsabog ay naramdaman ang shockwave sa loob ng one-kilometer radius ng pinangyarihan.
Dahil dito ay nasira ang ilang istruktura.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan dahil sa insidente.
“Immediate fire-fighting measures have been taken at the scene. The fire has been brought under control, and all the ship’s personnel have been safely evacuated,” ayon sa Yang Ming Marine Transport Corp.
Wala namang ibang barko ang nadamay sa pagsabog.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at kung sino ang dapat managot dito. RNT/JGC