MANILA, Philippines — Mag-iikot sa lansangan ng Maynila sa gagawing grand homecoming parade para sa Paris Olympics double gold medalist na si Carlos Yulo, bronze medalists na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio, at ang iba pang miyembro ng Philippine team sa Martes ng hapon.
Inilabas ng Metropolitan Manila Development ang ruta para sa mga motorista at commuter para makaiwas sa mga lugar na magiging mabigat ang trapiko.
Isang stop-and-go scheme ang ipapatupad.
Mula sa airport, tutungo ang mga atleta sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, kung saan magsisimula ang parada mula 3 p.m., patungo sa Malacañang.
Mula sa PICC, dadaan ang parada sa kahabaan ng V. Sotto Center Island, kakaliwa sa Roxas Boulevard, kanan sa P. Burgos Avenue, diretso sa Finance Road, diretso sa Ayala Boulevard, diretso sa Casal Street, diretso sa Legarda Street, kanan sa Chino Roces Bridge (Mendiola), kanan Jose Laurel Street at sa Palasyo.
Magtatapos ang Summer Games sa Agosto 12 bago magpatuloy ang labanan para sa Paralympics mula Agosto 28 hanggang Setyembre 8.
May kabuuang 4,400 atleta ang sasabak sa 549 na palakasan.
Magpapadala ang Pilipinas ng anim na atleta— Jerrold Pete Mangliwan (wheelchair racing), Cendy Asusano (para javelin throw), Allain Keanu Ganapin (taekwondo), Agustina Bantiloc (archery) at Ernie Gawilan at Angel Otom (swimming).