Home HOME BANNER STORY Siphoning ops sa tumagas na langis sa MTKR Bradley nagsimula na

Siphoning ops sa tumagas na langis sa MTKR Bradley nagsimula na

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang siphoning operations para sa tumagas na langis ng MTKR Bradley sa Mariveles, Bataan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Agosto 10.

Ang MTKR Jason Bradley ay isa sa tatlong tanker na lumubog sa vicinity waters ng Bataan.

Samantala, sa technical evaluation ng PCG, napag-alaman na 12 sa 24 na valves ng MTKR Terraova ang leak-free na.

Dagdag pa, nasarhan na ang mas marami pang valve sa naturang barko nitong Biyernes at anim pa ang patuloy na isinasara.

Samantala, nagpapatuloy din ang assessment para sa ikatlong barko na MV Mirola.

Matatandaan na naapektuhan na ng oil spill ang ilang mga probinsya at nagdeklara na rin ng state of calamity sa siyam na coastal local government units sa Bataan, at secondary state of calamity sa Bataan.

Lumikha na ang PCG at National Bureau of Investigation (NBI) ng team na mag-iimbestiga sa tatlong barko kung may kaugnayan ba ang mga ito sa posibleng smuggling.

Itinanggi ng may-ari ng MT Terranova ang alegasyon na sangkot sila sa oil smuggling. RNT/JGC