GAZA – Aabot sa 90 katao ang nasawi matapos ang strike ng Israel sa isang paaralan sa Gaza kung saan tumutuloy ang mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa giyera.
Ayon sa civil defense agency ng Gaza nitong Sabado, Agosto 10, tatlong rocket ng Israel ang tumama sa paaralan sa Gaza City.
Inilarawan ang insidente bilang isang “horrific massacre” kung saan nasunog pa ang ilang katawan.
Sinabi ng Israeli army nitong Sabado na “it had precisely struck Hamas terrorists operating within a Hamas command and control center embedded in the Al-Taba’een school.”
Ang strike ay dalawang araw lamang matapos iulat ng mga awtoridad sa Gaza na 18 katao ang nasawi nang tamaan din ng strike ng Israel ang dalawa iba pang paaralan sa Gaza City. RNT/JGC