Home ENTERTAINMENT Record ng Rewind, posibleng mabura ng HLA!

Record ng Rewind, posibleng mabura ng HLA!

158
0

Manila, Philippines – Matatandaang napakamatagumpay ng MMFF 2023 to the point na umabot sa isang bilyong piso ang kinita ng Rewind, isa sa sampung opisyal na kalahok.

Inasahang madu-duplicate nito ang kahihinatnan sa ika-50 taon ng festival which officially kicks off on Christmas Day.

Ayon sa komite ng MMFF, wala naman daw talagang foolproof o tiyak na garantiya to ensure the box office success of any entry.

Malaking factor siyempre ang istoryang nakapaloob sa pelikula.

Nariyan din ang tema nito.

Not to be missed ay ang mga bidang artista na malaki rin ang contributing factor.

Para sa mga bumubuo ng komite, ngayon pa lang ay welcome na ang hangaring lumahok ng mga personalidad sa likod ng sequel ng Hello Love Goodbye, ang Hello Love Again.

Tampok sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, kung wala lang ang Rewind na tinanghal na highest grossing Filipino film of all time ay ang HLG na sana ang pinarangalan.

Kung sakaling isali ang HLA sa MMFF this year, ang tanong: kaya ba nitong burahin ang record ng Rewind?

Mahigitan kaya ng KathDen entry ang DongYan movie in terms of box office gross sales?

While it remains to be seen, inihayag na rin ng komite ang mga importanteng petsa bilang guide sa mga participating film producers.

Inanunsyo na rin ang first batch of entries para sa MMFF 2024.

Sa September 30 not later than 5pm ang deadline para sa finished films batay sa script.

Sa October 15 inaasahang naisumite na ang finished film entries. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here