Home ENTERTAINMENT Daniel at Amanda, hindi mag-on!

Daniel at Amanda, hindi mag-on!

Manila, Philippines – Ayon sa mga bali-balita, “Amanda” ang first name ng bagong inspirasyon ni Daniel Padilla.

Ang Amanda palang iniuugnay sa aktor ay anak ni San Juan Mayor Francis Zamora.

Mismong ang alkalde na rin ang nagbigay-linaw sa isyu.

To begin with, close daw sa isa’t isa ang mayor at ang ina ni Daniel na si Karla Estrada.

Sa katunayan pa nga, ninong si Mayor Francis sa kasal ni JC, anak ni Karla.

Mag-business partners naman daw sina Daniel at Francis na magkasosyo sa isang negosyo sa

San Juan na binuksan nila noong 2017.

Ito raw ‘yung time na magkasintahan pa sina Daniel at Kathryn Bernardo.

“Ang talagang close ay si Amanda at si Maggie,” sey ni Francis.

Si Maggie ay kapatid ni Daniel.

Itinanggi ni Francis na may namumuong relasyon sa pagitan nina Amanda at Daniel.

Pero paano kung ligawan ni Daniel ang kanyang anak?

Tahasang sinabi ng ama na hindi raw mangyayari ‘yon.

Kahit daw ‘yung pinalalabas na may relasyon ang mga ito base sa mga sightings sa kanila ay hindi totoo.

Paliwanag ni Francis: “Tulad din sa politics, bahagi ng showbiz ang intriga. ‘Yung mga pictures daw na magka-holding hands sila, alam naman nating kayang gawin ‘yon with artificial intelligence. Basta we know it’s not true!”

Maging si Amanda rin daw ay natawa na lang sa tsismis na sila ni Daniel. Ronnie Carrasco III