Home NATIONWIDE Habagat iiral sa bahagi ng Luzon, VisMin

Habagat iiral sa bahagi ng Luzon, VisMin

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa bahagi ng Luzon, at kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, asahan ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan dahil sa Habagat.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms naman ang mararanasan sa Metro Manila, the rest of Luzon, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil din sa Habagat.

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC