MANILA, Philippines – Nagdulot ng mabigat na daloy sa trapiko ang tumagilid na trak sa Antipolo City nitong Sabado, Agosto 10.
Ayon kay Antipolo Mayor Jun Ynares, ang trak ay naaksidente sa bahagi ng Antipolo Teresa Provincial Road malapit sa Sitio Junction (Zigzag) ng Barangay San Jose sa nabanggit na lungsod.
Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagtagilid ng trak at iba pang detalye kaugnay ng insidente. RNT/JGC