Home NATIONWIDE Transport strike itutuloy ng Manibela

Transport strike itutuloy ng Manibela

145
0

MANILA, Philippines- Binabalak ng transport group na Manibela na ituloy ang nationwide three-day transport strike nito simula sa Miyerkules, Agosto 14.

Sinabi ni Mar Valbuena, presidente ng Manibela, makikilahok din ang kanilang mga miyembro sa mga lalawigan sa kilos-protesta sa paggiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang Public Transport Modernization Program (PTMP). 

“Magmula sa po Baguio, pababa ng Pangasinan, Central Luzon, sa Ilagan at Cauayan sa Isabela, CALABARZON, Western Visayas, Central Visayas sa Cebu at Lapu Lapu, Ormoc, Tacloban, Catbalogan, Iligan Butuan, Cagayan de Oro City, Sarangani and Davao City po,” pahayag ni Valbuena hinggil sa mga kalahok na rehiyon sa isang panayam nitong Linggo ng gabi.

“Siguro dadami pa po ito sa mga darating na araw. Sangayon walng tigil ang kaliwat kanang meeting ng mga heads sa regions po.”

Patuloy ni Valbuena, makikipagpulong din sila sa mga pinuno ng transport group Piston.

“Maguusap din kami ng mga kasama sa Piston para pareho kaming magkasama sa mga susunod na araw,” anang Manibela chief.

Ani Valbuena, magsisimula ang kilos-protesta sa Maynila sa Miyerkules, alas-6 ng umaga sa Welcome Rotonda. Magmamartsa ang kanilang mga miyembro hanggang Mendiola.

“Medyo ipit kasi Thursday kami nag-announce ng tigil pasada, para ang mga miyembro natin hindi magpanic. ‘Pag ganyan may kasamang pananakot galing sa gobyerno. Alam nating karamihan sa ating mga kasamahan ay nabu-bully sa mga regional office ng LTFRB na inipit po sila,” paliwanag niya.

“Lagi naman kaming nagaapply ng permit kaya lang ang nangyayari ay hindi naman kami inaaprubahan. Hindi naman naming alam kung anong dahilan… Pagka ‘yung ibang grupo pag may permit, ineescortan pa ng goyerno nagiging spokesperson pa nila ang chairman ng LTFRB.” RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here