Home ENTERTAINMENT Ama ni Angeli Khang, may arrest warrant!

Ama ni Angeli Khang, may arrest warrant!

205
0

Manila, Philippines- Subukan lang umuwi ng Pilipinas mula sa US ang ama ng Vivamax star na si Angeli Khang ay diretso ito agad sa kalaboso.

Sa guesting ng sexy actress sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niya na nagsampa sila ng kanyang ina ng kaso ng pisikal na pang-aabuso laban sa kanyang ama.

Bunsod daw ito ng dinanas nilang pananakit habang lumalaki sila ng kanyang kuya sa piling ng ama sa ibang bansa.

Dati raw kasing military officer ito kung kaya’t sobrang mahigpit daw ang ginawang pagdidisiplina sa kanilang magkapatid.

May ari din daw sila noon ng isang construction company, kung kaya’t kung ano ang makita nito para disiplinahin ang mga anak ay ‘yun mismo ang gagamiting pangsuheto.

Inalala ni Angeli nang minsang hatawin ang kanyang kuya ng dos por dos na kahoy sa likod.

Imbes na mamula ay nagkulay ube raw ang mga pasa nito.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit minabuti ng kuya niya na umuwi ng Pilipinas.

Dahil si Angeli ang naiwan doon ay siya tuloy ang napagdiskitahan ng kanyang ama.

Nangyaring nginudngod daw siya sa hugasan ng mga plato.

Naroong hindi rin daw siya pinakakain bilang parusa.

Natauhan na lang daw ang kanyang ama nang tawagin ang atensyon nito sa paaralang pinapasukan niya.

Napansin kasi ng mga school authorities ang mga pasa ni Angeli.

Sa ngayon, nasa Amerika raw ang kanyang ama pero kasado na ang warrant arrest dito sa oras na umuwi siya ng bansa.

Kaya pala may pinaghuhugutan ang epektibong akting ni Angeli sa pelikula. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here