Home NATIONWIDE UST grad topnotcher sa Medtech Licensure Exam

UST grad topnotcher sa Medtech Licensure Exam

193
0

MANILA, Philippines – Topnotcher ang isang nagtapos sa University of Santo Tomas (UST) sa medical technologists licensure examination na isinagawa nitong Àgosto, sinabi ng Professional Regulation Commission.

Ayon sa PRC, 3,872 mula sa 5,574 na kumuha ng pagsusulit na ibinigay ng Board of Medical Technology sa test centers sa Metro Manila, Baguio, Cebu at Davao ang nakapasa.

Nakuha ni Riana Beatriz Tungol Siron ng UST ang pinakamataas na marka na 92.30%, habang ang top performing school na may 50 o higit pang examinees ay ang Saint Louis University, kung saan 83 sa 87 test takers nito ang pumasa para sa success rate na 95.40%.

Nasa ikalawang puwesto ang UST na may passing rate na 95.26%, kung saan 342 sa 359 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Ang kumpletong listahan ng mga passers ng medical technologies licensure exam ngayong Àgosto 2024 ay makikita sa PRC website. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here