Home NATIONWIDE Brosas sa COA: Lahat ng ahensyang may CIF i-audit

Brosas sa COA: Lahat ng ahensyang may CIF i-audit

102
0

MANILA, Philippines – Para matiyak na mayroong transparency at accountability sa paggamit ng pondo, iniutos ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng audit sa lahat ng ahensyang may confidential at intelligence funds.

Ang pahayag ay ginawa ni Brosas sa harap ng pag-apruba ng House Committee on Appropriation sa hiling na isubpoena ang audit reports ng COA sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) para sa taong 2022 hanggang 2023.

“Kinailangan pa ng subpoena sa COA para maglabas ng report gayong dapat naman talaga ilabas ‘yan ng gobyerno dahil pera ng taumbayan ang pinag-uusapan. These ‘secret funds’ are prone to misuse and corruption, and the difficulty in auditing such funds only underscores the need for their abolition,” paliwanag ni Brosas.

Ang alokasyon ng confidential at intelligence funds ay muling kinuwestiyon ni Brosas sa pagtalakay ng 2025 National Budget dahil na rin sa mataas na alokasyon sa Office of the President na nasa ₱10.29 billion, nasa ₱4.37 billion ang sa confidential at ₱5.92 billion bilang intelligence funds.

“President Marcos Jr. is not off the hook. Taon-taon, palaki nang palaki ang secret funds niya na para bang personal wallet ng administrasyon ang pondo ng mamamayan sa kabila ng matinding kahirapan sa bansa,” paliwanag ni Brosas.

Tiniyak ni Brosas na patuloy nilang kukuwestiyunin sa deliberasyon ng panukalang 2025 budget ang usapin ukol sa confidential at intelligence funds. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here