Home NATIONWIDE Manila LGU magkakaroon ng hiwalay na maikling programa para kay Carlos Yulo

Manila LGU magkakaroon ng hiwalay na maikling programa para kay Carlos Yulo

102
0

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na magkakaroon ng hiwalay na maikling programa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila para iprisinta ang P2 milyong cash incentive ng lungsod sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa susunod na Lunes, Agosto 19.

Ayon sa alkalde, bukod sa cash incentive na ibibigay kay Yulo, plano umano ng Lungsod ng Maynila na magkaroon ng “Carlos Yulo Day” kung saan ang napiling petsa ay Agosto 4 dahil iyon umano ang araw nananalo si Carlos Yulo ng kanyang unang gintong medalya.

Aniya, ang konseho ng lungsod ay gumagawa ng resolusyon at umaasa na ito ay magiging handa bago ang Lunes sa susunod na linggo.

“Magpapasa po ng isang resolusyon ang konseho ng Maynila bukas (August 15),” ani Lacuna.

Samantala, personal na iaabot ni Mayor Lacuna, na isang UST Alumna, ang P500,000 cash incentive ng lungsod para sa Olympian pole vaulter at kapwa Thomasian na si Ernest John Obiena ngayong hapon ng Huwebes, Agosto 14, 2024, sa Mayor’s Office dahil nakatakdang pumunta sa ibang bansa si Obiena kinabukasan ng gabi.

“Uunahin natin ‘yung kay EJ kasi dahil paalis na naman siya bukas ng gabi. Tapos ‘yung kay Carlos Yulo ay magaganap sa Monday kasi punung-puno yung schedule ni Carlos Yulo. Nasa akin na po (ang tseke), iaabot ko na lang,” pahayag ni Lacuna. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here