Home NATIONWIDE NorMin malaya na sa guerilla front ng NPA – Army

NorMin malaya na sa guerilla front ng NPA – Army

MANILA, Philippines – SINABI ng Philippine Army na malaya na ang Northern Mindanao region mula sa mga communist guerilla front ng New People’s Army (NPA).

Sa media briefing nitong Martes, sinabi ni Major General Jose Maria Cuerpo, commander ng 4th Infantry Division (4ID), na kinabibilangan ng areas of responsibility (AOR) ng Army unit ang Caraga Region at bahagi ng Northern Mindanao o Region 10.

“Isa lang ang mahinang Guerilla Front 30 sa Surigao area, pero masaya kaming sabihin na this week, nagkaroon kami ng presentation sa Unified Command para lansagin ang humihinang larangang gerilya,” dagdag pa nito.

Nabatid nitong Martes, sinabi ni Gen. Cuerpo na ang 4ID ay wala nang mga larangang gerilya sa loob ng AOR nito sa Northern Mindanao at Caraga regions dahil nabuwag na ang lahat ng mga ito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Brigadier Gen. Michele Anayron, commander ng 403rd Infantry Brigade sa Bukidnon, na nabawasan ng 72 porsiyento ang lakas ng NPA sa lalawigan simula noong Hulyo 1, 2022.

Ayon pa kay Anayron na isa sa mga mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang pagsama-samahin ang mga rebeldeng sumuko na tinatawag na “kaibigang iniligtas” pabalik sa pangunahing lipunan.

Kaugnay nito, tiniyak niya na magpapatuloy ang suporta ng 4ID sa mga katuwang na ahensya ng gobyerno sa pagtulong sa mga dating rebelde sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program, kung saan 1,237 mula sa Northern Mindanao ang nakinabang ngayong taon. Santi Celario