MANILA, Philippines – Nilinaw ni Commission on Elections Chairman George Garcia na lahat ng aspiring candidate ay maaaring maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na halalan, may kaso man o wala.
Pero iginiit ni Garcia na ang kaso ni suspended Bamban Mayor Alice Guo ay ibang usapan kung pagbibigyan ng due course ang kanyang kandidatura o masasama sa balota ang kanyang pangalan, ay maaaring ang komisyon ang magdiskwalipika sa kanya at magdeklara ng motu propio.
Inihalimbawa ni Garcia ang mga nuisance candidate na kanilang tinatanggap ang mga COC ngunit dinidiskwalipika nila dahil sila ay panggulo lamang at nagbibigay kalituhan sa mga botante.
“Pero at the same time kapag ka naman perpetually disqualify, talagang consistent ang Comelec sa kasalukuyan — dini-disqualify namin administratively– tinatanggal po namin sapagkat ginagalang namin ang desisyon ng Ombudsman lalo’t walang TRO (Temporary Restraining Order) mula sa Court of Appeals o mataas na Hukuman,” saad ni Garcia sa Kapihan sa Manila Bay forum.
Sa 25 pahinang desisyon na inilabas sa media nitong Martes, ipinag-utos ng Ombudsman ang dismissal o pagtanggal kay Guo dahil sa grave misconduct. Jocelyn Tabangcura-Domenden