Home NATIONWIDE 22 lalawigan sapul ng ASF – BAI

22 lalawigan sapul ng ASF – BAI

143
0

MANILA, Philippines- Patuloy na nakararanas ang swine industry ng bansa ng African swine fever (ASF), kung saan makikita sa Bureau of Animal Industry (BAI) tally na kumalat na ang sakit sa hayop sa 11 rehiyon, 22 lalawigan at 64 munisipalidad, hanggang nitong Agosto 8.

Mula sa unang ASF outbreak noong 2019, nakaapekto ang viral disease sa 74 mula sa 82 lalawigan sa buong bansa, subalit inihayag ng Department of Agriculture (DA) na ito ay “not that alarming” dahil sa available na bakuna.

Base sa DA, 10,000 bakuna laban sa ASF ang dumating nitong Biyernes at maaaring simulan ang pagbabakuna sa Martes.

Naglatag din ang ahensya ng livestock checkpoints sa buong Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at protektahan ang livestock at poultry industry. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here