Manila, Philippines – Parang of national interest ang pag-deactivate ni Kobe Paras ng kanyang Instagram account.
As usual, itsurang nagdiriwang ng feast day ang mga Marites sa panghuhula kung ano ang dahilan bakit deactivated at present ang IG account ng basketbolista.
Ayon sa ilan, posible raw na break na sila ng kanyang rumored girlfriend na si Kyline Alcantara.
Still others surmise na hindi lang bet ni Kobe na hanggang IG ay tinututukan ang kanyang mga kilos as regards his personal life.
Pero ano nga ba talaga ang totoo?
Isang netizen volunteered an important information na hindi break sina Kyline at Kobe.
Sa katunayan daw, nasa mainland China ang couple working on a project.
Besides, ganoon naman daw si Kobe– na ide-deactivate ang manyang social media account pag naisipan nito.
At kapag ni-reactivate na niya ito’y ang makikita mo na lang na posts ay mga importante.
Toyak daw na pag ni-reactivate ni Kobe ang kanyang IG account, expect to see ‘yung mga activities nila ni Kyline sa China. Ronnie Carrasco III