Home METRO Obrero todas sa kuryente!

Obrero todas sa kuryente!

MANILA, Philippines- Patay ang isang construction worker matapos makuryente sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali sa public market sa Camalaniugan, Cagayan nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon, aksidenteng sumagi ang iron bar na hinahawakan ng biktima sa isang live wire. Nakuryente siya at nahulog.

Unang dinala ang biktima sa isang ospital sa Camalaniugan at kalaunan ay inilipat sa ospital sa  Tuguegarao City, Cagayan kung saan siya idineklarang patay. RNT/SA