ILOILO CITY- Patay ang most wanted na pinuno ng New People’s Army (NPA) sa Visayas sagupaan sa pwersa ng pamahalaan sa bayan ng Lambunao sa Iloilo.
Kinumpirma ng 3rd Infantry Division (ID) ng Philippine Army na isa si Maria Concepcion Araneta-Bocala o “Ka Concha” sa tatlong rebelde na nasawi sa engkwentro sa 82nd Infantry Battalion (IB) nitong Huwebes.
Mayroong patong P5.3 milyong patong sa ulo ang 74-anyos na dating secretary general ng NPA sa Panay Island.
Naaresto si Bocala sa Iloilo City noong Agosto 2015 ng Army at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-6) ng Philippine National Police (PNP).
Noong panahong iyon, nahaharap si Bocala sa kasong rebellion, murder, at illegal possession of firearms.
Subalit noong Agosto 2016, pansamantala siyang pinalaya bilang Visayas-based consultant ng National Democratic Front (NDF), ang organisasyong konektado sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa NPA.
Nagtungo siya sa Norway para sa tangkang peace talks ng pamahalaan sa ilalim ng Duterte administration. Nang pumalya ang peace talks, tinakasan ni Bocala ang mga awtoridad.
Napatay din ang pangalawang asawa ni Bocala na si Reynaldo Bocala, nang manlaban siya sa pag-aresto noong Mayo 2021 sa Iloilo City. Isa ring high-ranking leader ng NPA sa Panay Island ang kanyang asawa.
Ang dalawa pang nasawing miyembro ng NPA ay sina Vivian Torato Teodosio at Vicente Hinojales. RNT/SA