Home NATIONWIDE 3 arestado sa pagnanakaw ng krudo sa Cagayan

3 arestado sa pagnanakaw ng krudo sa Cagayan

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki na sangkot sa serye ng pagnanakaw ng langis sa Barangay Libag Norte, Tuguegarao City nitong Biyernes, Hunyo 5.

Ayon kay Police Lt. Col. Garry Matagay, hepe ng Tuguegarao City police, ang mga suspek ay natukoy matapos mamonitor ng Command Center sa pamamagitan ng closed-circuit television (CCTV) ang isang puting commuter van na naiugnay sa mga dati nang kaso ng pagnanakaw ng krudo sa lungsod.

Namataan ng mga awtoridad ang isa sa mga sakay ng sasakyan na pumuslit sa bakod ng target na pasilidad sa national highway dahilan para agad na rumesponde ang mga pulis at miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT).

Naaresto ang tatlong suspek sa operasyon na pawang mga residente ng Tabuk City, Kalinga.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang improvised .22 caliber rifles, ammunition, limang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang mobile phones, 11 empty plastic containers, dalawang hose, at plaka na pinaniniwalaang ginagamit sa operasyon.

Ang mga suspek ay nahaharap sa reklamong attempted theft, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (Republic Act No. 10591), at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act No. 9165).

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang malaman kung may iba pang indibidwal ang sangkot sa crude oil theft operation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here