Home NATIONWIDE Nars sinaksak ng 13 beses sa ulo, patay

Nars sinaksak ng 13 beses sa ulo, patay

3
0

BANGUED, Abra – Isang bangkay ng lalaking nurse ang natagpuang nakabalot sa plastic at may 13 saksak sa ulo at katawan sa isang bakanteng lote sa Sitio Linasin, Brgy. Zone 1, Bangued, Abra kahapon ng umaga, Hunyo 6.

Kinilala ang biktima bilang residente sa bayan ng Licuan-Baay, Abra.

Natagpuan na nkagapos ang kanyang mga paa at may nakaparadang motorsiklo sa tabi ng kanyang bangkay.

Agad itong ipinaalam ng mga residente sa pulisya para sa agarang aksiyon.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at ang mga responsable sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here