Home NATIONWIDE PCG inimbitahan sa pinakamalaking multinational maritime warfire exercise

PCG inimbitahan sa pinakamalaking multinational maritime warfire exercise

3
0

MANILA, Philippines – Inimbitahan sa pinakamalaking multinational maritime warfare exercise sa buong mundo na gaganapin sa Hawaii ngayong taon ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ang una at tanging foreign coast guard na inimbitahan at gagawa ng kasaysayan sa RIMPAC.

Makakasama sa pagsasanay ang PCG kasama ang United States Coast Guard at ang mga Navy ng halos 30 bansa para palalimin ang maritime cooperation, operational interoperability, humanitarian assistance at disaster response, pagpapatupad ng batas sa dagat, at seguridad sa rehiyon.

Nakatatanggap ng aktibong suporta ang Pilipinas sa Amerika sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ang partisipasyon ay nagpapakita ng mas pinahusay at na-modernize na kakayahan ng ahensya sa pagsusulong ng rules-based approach sa Indo-Pacific region.

Magaganap ang multinational exercise mula June 24 hanggang July 31 sa paligid ng Hawaiian Islands.

Sinabi ni Gavan na lalahok ang PCG sa mga aktibidad tulad ng search and rescue, information exchange, public affairs, at humanitarian assistance, bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here