Home NATIONWIDE Hinihinalang carnap group arestaso sa magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila, Rizal

Hinihinalang carnap group arestaso sa magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila, Rizal

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang umano’y lider at pitong miyembro ng robbery at carnapping group sa magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila at Rizal nitong Biyernes, Hunyo 5.

Walong motorsiklo, dalawang sasakyan, dalawang baril at mga bala, kasama ng mga damit, ang narekober sa naturang operasyon.

Dalawa sa mga motorsiklo ang umano’y ginagamit ng mga suspek sa carnapping.

Sinabi ng Eastern Police District (EPD) na naglunsad sila ng operasyon matapos makatanggap ng reklamo galing sa isang lalaki na ninakawan umano ng motorsiklo at cellphone sa Barangay Tumana, Marikina City madaling araw ng Huwebes.

Ang 20-anyos na biktima at girlfriend nito ay lumabas lamang para bumili ng pagkain nang pahintuin sila ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo saka tinutukan ng baril.

Sa kabila nito ay may GPS ang cellphone ng biktima na nakatulong sa mga awtoridad na matunton ang mga suspek at narekober ang motorsiklo at iba pang sasakyan ng iba pang mga biktima.

Nasa kustodiya na ng Marikina City Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kabi-kabilang reklamo.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung sino ang mga may-ari ng mga sasakyang narekober.

Nagpapatuloy ang manhunt operation para tugisin ang iba pang miyembro ng grupo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here