MULING nag-alboroto ang bulkang Kanlaon makaraang maitala ang walong (8) volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas rin sa alert level 2 ang paligid ng bulkang Kanlaon.
Nabatid pa sa ahensya na namataan din ang pamamaga ng bulkan at ang pagbuga ng puting usok sa bunganga nito na may taas na 300 metro.
Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ).
Ayon pa sa Phivolcs mahigpit na ipinagbabawal ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng putok ng bulkan.
Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. (Santi Celario)