Home NATIONWIDE 15 poste ng kuryente sa Marilao, Bulacan inararo ng trak

15 poste ng kuryente sa Marilao, Bulacan inararo ng trak

169
0

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasaktan at mahigit 700 tirahan ang nawalan ng kuryente matapos na araruhin ng 10-wheeler truck ang 15 poste ng kuryente sa Marilao, Bulacan nitong Lunes, Agosto 19.

Sa ulat, sugatan ang rider at siklista matapos silang malaglagan ng mga kable ng kuryente habang sila ay dumadaan sa Mario Santiago Road sa Barangay Lambakin.

Nasira rin ang bubong ng isang paaralan at pader ng subdivision matapos na mabagsakan ng poste.

Inaayos pa ng Meralco ang mga natumbang poste upang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong residente.

Napilitan din ang mga residente na maglakad ng halos isang kilometro dahil sarado sa trapiko ang naturang lugar sa mga nagtumbahang poste.

Nasa kustodiya na ng Marilao police ang truck driver. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here