Home NATIONWIDE Walang number coding sa long weekend – MMDA

Walang number coding sa long weekend – MMDA

108
0

MANILA, Philippines – Walang magiging number coding sa paparating na long weekend, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA nitong Martes, Agosto 20, ang number coding ay suspendido sa Biyernes, Agosto 23, o paggunita ng Ninoy Aquino Day, na idineklarang special non-working day.

Suspendido rin ang coding sa Lunes, Agosto 26 para naman sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day, na isang regular holiday.

Hindi naman ipinatutupad ang number coding tuwing Sabado at Linggo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here