Home NATIONWIDE Habagat-affected families sa Marikina, nakatanggap ng ayuda

Habagat-affected families sa Marikina, nakatanggap ng ayuda

236
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng cash aid ang nasa 100 pamilya mula sa Barangay Nangka sa Marikina City na apektado ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina, nitong Huwebes, Agosto 22.

Ang ayuda ay bahagi ng $1 million humanitarian assistance program ng United States Agency for International Development (USAID).

Suportado rin ito ng Catholic Relief Services (CRS) sa Pilipinas na layong tulungan ang mga komunidad na nasalanta ng bagyo.

Matatandaan na naitala ng Marikina City ang pinakamataas na bilang ng mga apektadong indibidwal sa pagbaha kung saan nasa 66,000 pamilya ang pansamantalang lumikas sa 15 barangay, ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Makatatanggap ng cash aid ang 400 pang pamilya sa Nangka sa mga susunod na araw.

Ang mga pamilya ay pinili sa tulong ng City Social Welfare Office at mga opisyal ng barangay.

“We hope that this assistance will help vulnerable families recover and replace some of the essential assets that they lost,” ani Ryan Washburn, mission director ng USAID PH.

Ayon naman kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, “This shows that the government cannot do by itself what needed to be done. There should be a whole of community approach that we’re experiencing now.”

Plano ring tulungan ng USAID at CRS ang iba pang lugar sa National Capital Region, Bulacan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Lanao del Sur, at Pampanga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here