Manila, Philippines – Lantarang ipinagsigawan ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account na peke o dinuktor lang ang kumakalat na kissing photo ni Bimby Aquino sa social media.
Usap-usapan nga sa isang community site ang pekeng larawan na nilakipan pa ng caption to make it seem real.
Ayon sa post, “Bimby Aquino isinapubliko na ang long-time boyfriend!”
Para papaniwalain nga ang mga netizens, the post came with a picture of two men kissing each other.
Ayon sa nag-post ay si Bimby ang isa roon.
Hindi pa nagkasya sa pag-limbento, may linya pang attributed to Bimby na: “Mahal ko siya!”
Dali-daling inalmahan ito ni Ogie who posted on his FB account: “Fake news! Fake report!”
Kasabay nito, nananawagan ang talent manager cum vlogger na ireport sa mga kinauukulan ang naturang pekeng balitang sinamahan pa ng pekeng larawan.
Inuudyukan naman ng mga netizens ang ina ni Bimby na si Kris na gumawa ng ligal na hakbang para papanagutin kung sinuman ang may gawa niyon.
Kung kilala ng publiko si Kris, hindi ito magdadalawang-isip na gawin yon.
Nagkataon lang na may iniinda siya sa kanyang kalusugan.
Bakit pati kasi si Bimby ay idinadamay nila sa kanilang kawalanghiyaan?! Ronnie Carrasco III