MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pitong Pilipinong kabilang sa mga naaresto sa cyber scam network sa Laos ang nakabalik na sa Pilipinas ngayong Biyernes.
Sinabi ng DFA na sinisikap din nitong mapauwi ang 75 pang Pilipino matapos makatanggap ang departamento ng kabuuang 129 requests for assistance.
“So far, we have responded to 129 requests for assistance, and already repatriated 7 Filipinos today. The Embassy is currently arranging the repatriation of 75 more Filipinos,” pahayag ng DFA.
“The team stands ready to assist Filipinos who may still be remaining in the Golden Triangle and will continue to work with Lao authorities to ensure their safety,” dagdag nito.
Base sa DFA, dalawang opisyal mula sa Office of the Undersecretary for Migration Affairs (OUMA) ang nasa Laos upang asistihan ang mga Pilipino.
Inaresto ng mga awtoridad sa Laos ang halos 800 indibidwal na nagtatrabaho sa isang cyber scam network sa “special economic zone” sa hangganan ng Myanmar at Thailand, ayon sa local media.
Matatagpuan sa lalawigan ng Bokeo, ang Golden Triangle Special Economic Zone (SEZ) na may mga casino at hotel na pag-aari ng mga Chinese ay pinaghihinalaang hub para sa ilegal na aktibidad nitong mga nakaraang taon, iniulat ng Agence France-Presse.
May kabuuang 771 katao ang nakakulong na karamihan ay mula sa Laos, Myanmar at China. Ilan sa kanila ay mula sa Burundi, Colombia, Ethiopia, Georgia, India, Indonesia, Mozambique, Tunisia, Pilipinas, Uganda at Vietnam.
Ang pagbuwag ay bahagi ng mas malaking pagsisikap na puksain ang mga transnational na krimen sa loob ng SEZ, ayon sa ulat.
“The DFA is also funding their flights from Bokeo to Vientiane and onward to the Philippines, including accommodation, food and basic needs,” anito. RNT/SA