Home NATIONWIDE ALAMIN: Bank schedules para sa Aug. 23, Aug. 26 holidays

ALAMIN: Bank schedules para sa Aug. 23, Aug. 26 holidays

168
0

MANILA, Philippines- Nag-isyu ang mga lokal na bangko ng banking services schedules kung saan karamihan sa mga branch ay sarado ngayong Biyernes, Agosto 23 at sa Lunes, Agosto 26, sa paggunita sa Ninoy Aquino Day at sa National Heroes’ Day.

Sa Proclamation No. 665, inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang non-working holiday para sa paggunita kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. mula Agosto 21 sa Agosto 23.

Narito ang abiso ng mga bangko:

  • BDO Unibank

Bukas ang ilang branch sa dalawang holidays. 

  • Bank of the Philippine Islands

Sarado lahat ng branch sa Agosto 23 at Agosto 26; habang mananatiling available ang online at mobile banking channels, ATMs, at cash accept machines.

  • Land Bank of the Philippines

Sarado lahat ng branch sa Ninoy Aquino Day at National Heroes’ Day. Available naman ang digital channels at ATMs.

  • Union Bank of the Philippines

Magpapatuloy ang over-the-counter, online check deposits, check releasing, at bills payment services sa Agosto 27.

  • Security Bank

Sarado lahat ng branch sa Agosto 23 at 26.

  • Metropolitan Bank & Trust Company

Sarado lahat ng Metrobank branches, maliban sa ADB at Pasay-NAIA 3 branches.

  •  Philippine National Bank 

Bukas ang mga piling branch sa shortened banking hours sa Agosto 23 at 26.

  • Chinabank PH

Bukas ang ilang branch sa dalawang holidays.

  • Bank of Commerce 

Sarado lahat ng branch para sa Ninoy Aquino Day at National Heroes’ Day.

  • Development Bank of the Philippines

Sarado lahat ng branch sa holidays. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here