Home NATIONWIDE Higit 160K litro nakolekta sa MTKR Terranova oil siphoning – PCG

Higit 160K litro nakolekta sa MTKR Terranova oil siphoning – PCG

MANILA, Philippines- Mahigit 160,000 litro ng langis ang nakolekta sa siphoning operation para sa lumubog na motor tanker na Terranova sa Bataan noong Huwebes ng gabi, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Biyernes.

Sa huling update ng PCG, iniulat ng kinuhang salvor Harbour Star na nakakolekta ito ng 161,612 litro ng langis mula Agosto 19 hanggang 22:

  • Agosto 19 – 2,350 litro

  • Agosto 20 – 36,100 litro

  • Agosto 21 – 42,026 litro

  • Agosto 22 – 81,136 litro

Sa nakolektang langis noong Huwebes, hindi naabot ng salvor ang kada araw na target.

Ayon sa PCG, layon ng salvor na makakolekta ng 200,000 litro araw-araw mula nang magsimula ang “full blast” siphoning operation noong Miyerkules.

Dahil dito, inaasahang darating ang mas maraming booster pump sa weekend para mabilis na masubaybayan ang operasyon ng siphoning, ayon sa PCG.

Samantals, nagsagawa ng drone aerial survellaince ang BRP Sindangan at gumamit ng water cannon upang tugunan ang bahagyang oil sheen na naobserbahan sa lugar.

Isang tripulante ang namatay at 16 iba pa ang nailigtas matapos tumaob ang MTKR Terranova at lumubog sa layong 3.6 nautical miles sa silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay noong Hulyo 25.

Bukod sa MTKR Terranova, kasalukuyan ding tumutugon ang PCG sa lumubog na MTKR na si Jason Bradley at grounded MV Mirola 1 sa Bataan.

Tinitingnan ng PCG at National Bureau of Investigation (NBI) kung may kinalaman sa oil smuggling ang tatlong barko.

Itinanggi ng mga may-ari ng MTKR Terranova ang paratang.

Dahil sa epekto ng oil spill, idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng Bataan gayundin sa siyam na lungsod at bayan sa Cavite. Jocelyn Tabangcura-Domenden