Home NATIONWIDE Pagkakaaresto sa Indonesia kinuwestiyon ng kampo ni Cassandra Ong

Pagkakaaresto sa Indonesia kinuwestiyon ng kampo ni Cassandra Ong

MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ng kampo ni Cassandra Ong ang pag-aresto at pag-deport sa kanya ng Indonesian authorities, matapos matukoy bilang isa sa incorporators ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga. 

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Ferdie Topacio na si Ong ay “in high spirits” dahil naninindigan umano itong inosento ito.

“Even if you are charged with any crime, unless and until there is a case filed in court and warrant issued, you cannot be taken in detention by nbi and pnp, palusot lang po yan. she will be charged, that is the information, only warrant from the house is existing,” giit ni Topacio.

Nadakip si Ong, kasama si Shiela Guo, kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, sa Indonesia at nakabalik sa Ninoy Aquino International Airport nitong Huwebes ng gabi.

Naaresto ang dalawa sa Mega Mall Batam Center noong Martes. Subalit, hindi natagpuan ang dating alkalde at kapatid nitong si Wesley.

Sinabi ni Sen. Raffy Tulfo na nakapasok ang grupo sa Indonesia mula Singapore sa pamamagitan ng isang cruise ship. RNT/SA