Home ENTERTAINMENT Karen, umalma kay Jinggoy!

Karen, umalma kay Jinggoy!

174
0

Manila, Philippines – Nakuha pang magpalusot ni Senator Jinggoy Estrada sa inasal sa hearing nitong August 20, Martes pero hindi siya umubra sa kaliwa’t kanang batikos sa kanya.

Isa na rito ay ang broadcast journalist ns si Karen Davila.

Partikular na inalmahan ni Karen ang paraan ng pagtatanong ni Jinggoy sa mga umano’y sexual harassment victims na sina Sandro Muhlach at Gerald Santos.

Sandro’s and Gerald’s complaints arose from different incidents.

Ani Jinggoy kay Sandro, huwag na nitong idetalye ang paraan ng ginawang pagmolestya umano sa kanya nina Jojo Nones at Richard Cruz.

Kinuwestyon naman ni Jinggoy si Gerald kung bakit pinaabot pa niya nang limang taon bago magreklamo?

Pakiramdam ni Jinggoy, kailangang mailabas ang katotohanan otherwise ay sinasayang lang daw ng mga ito ang kanyang oras.

Sa parte naman ni Karen, hindi raw dapat magkaroon ng puwang ang “victim blaming.”

Dahil traumatic nga ang mga pinagdaanan nina Sandro at Gerald ay natural lang daw na makaramdam sila ng takot, bukod sa pagkakaroon ng hiya para ibahagi ang kanilang karanasan.

Ipinaalala ni Karen sa mga senador na: “You serve the people…you are not God so don’t act like it!”

Sa magkaibang panayam, itinanggi ni Jinggoy na naging “insensitive” siya sa damdamin nina Sandro at Gerald.

Iginiit niyang tama lang daw ang kanyang ginawa, taliwas sa pananaw ng mas nakararami.

Samantala, dinalaw ni Jinggoy ang ipina-contempt niyang si Nones at ipinakulong sa detention cell sa Senado dahil sa pagsisinungaling nito.

Ang pakay ni Jinggoy ay para ipaamin kay Nones ang paratang laban sa kanila, bagay na inayawan ng huli.

Inaayos naman ng abogado nila ni Cruz na si Atty. Maggie Garduque na mapalaya si Nones para sa isusumite nilang dokumento, na

tiyak aalmahan ni Jinggoy. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here