Home NATIONWIDE 3 patay, 4 sugatan sa knife attack sa Germany

3 patay, 4 sugatan sa knife attack sa Germany

141
0

GERMANY – Tatlo katao ang nasawi habang apat ang seryosong nasaktan sa pag-atake sa isang pista sa western Germany city ng Solingen, nitong Biyernes, Agosto 23.

Ayon sa pulisya, pinaghahanap pa ang suspek dito.

Pinaniniwalaan umanong kutsilyo ang ginamit sa nangyaring pag-atake na nangyari sa central square na Fronhof.

Isa sa mga organizer ng pista na si Philipp Müller ang umakyat sa stage at hiniling sa mga dumalo na “go calmly; please keep your eyes open, because unfortunately the perpetrator hasn’t been caught.”

Aniya, maraming mga tao ang sugatan sa isang “knifeman.”

Nagkalat naman ang mga pulis at emergency vehicles matapos ang insidente.

Sa Facebook post ni Mayor Tim Kurzbach, sinabi nito na “this evening, we in Solingen are all in shock. We all wanted to celebrate our city’s anniversary together and now have dead and wounded to lament.”

“It breaks my heart that an attack on our city happened,” dagdag pa.

Ipinagdiriwang ng lungsod ang ika-650 anibersaryo nito sa pamamagitan ng “Festival of Diversity,” na nagsimula nitong Biyernes at tatagal sana hanggang bukas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here