MANILA, Philippines – Ginawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Order of Sikatuna na may ranggong Grand Cross, Silver Distinction si outgoing European Union (EU) Ambassador Luc Véron sa pagtulong na mapalakas pa ang economic at trade ties ng Pilipinas sa EU.
“I’d like to thank EU Ambassador H. E. Luc Véron for the invaluable partnership the Philippines has built with the European Union through his leadership in the last three years.
He has played a key role in strengthening our country’s economic and trade ties with the EU,” ayon kay Marcos sa post sa Facebook at Instagram.
Noong nakaraang taon, inaprubahan ang EU investment mula sa Investment Promotion Agencies na umabot sa $13.412 billion.
Nagpahayag din ng mahigpit na suporta ang EU sa Pilipinas at sa 2016 arbitral award sa kabila ng sigalot sa agresibong aksyon sa China sa West Philippine Sea. RNT/JGC