Home NATIONWIDE Migrant boat pinaputukan ng Greek coast guard, 1 patay

Migrant boat pinaputukan ng Greek coast guard, 1 patay

GREECE – Patay ang isang 39-year-old migrant matapos na paputukan ng Greek coast guard ang isang barko na may mga sakay na migrante malapit sa isla ng Symi sa eastern Aegean Sea.

Sa pahayag, sinabi ng coast guard na nasawi ang lalaki “probably from a bullet” at ang pagpapaputok sa outboard engine ng migrant boat ay para mapahinto ito matapos na isnabin ang warning na huminto.

Inilunsad na ang imbestigasyon para rito.

Sa ulat, ipinag-utos din ng Greek prosecutor ang pag-aresto sa coast guard officer na nagpaputok ng baril kasabay ng pagkumpiska sa armas nito.

Ang bangka ay may sakay na 14 migrants, walo ang lalaki, isa ang babae at lima ang menor de edad na umalis ng Turkey at illegal na pumasok sa territorial waters ng Greece.

Nang ito ay matunton ng coastguard patrol, binilisan pa lalo ng bangka ang patakbo at hindi sumagot sa visual at audio warnings.

Nagsagawa rin umano ito ng mapanganib na maniobra na naglagay sa alanganin sa kaligtasan ng mga crew member ng coast guard.

“Warning shots were fired to prevent an immediate risk to the coastguard vessel and its crew … and subsequently targeted shots were fired at the outboard engine aimed at immobilising the speedboat,” saad sa pahayag ng coastguard statement.

Ang nasawing lalaki ay pinaniniwalaang mula sa Kuwait. RNT/JGC