MANILA, Philippines – Nasa 200 lamang sa 756 units ng breath analyzers na binili sa mga nakalipas na administrasyon ang maaari pang maayos, ayon sa Land Transportation Office (LTO).
Ani LTO Assistant Secretary Attorney Vigor Mendoza II, ito ang kanilang nadiskubre sa inventory ng mga device na binili para ipatupad ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.
“The first batch of 150 units were bought in 2015 for P10.2 million while the rest of the more than 600 units were bought in 2017 for more than P38,000 per unit. The total cost of these two procurements for a total of 756 units of breath analyzers were P33.8 million,” saad sa pahayag ni Mendoza.
Aniya, ina-assess na ng LTO kung dapat bang ipaayos muna ang mga sirang unit o bumili na lamang ng bago.
“What we are doing now is to save more than 200 units by looking for the shop that could do the job,” sinabi ni Mendoza.
Ang isyu ng mga depektibong breath analyzers ay ibinunyag ni Senador Raffy Tulfo sa pagdinig sa Senado. RNT/JGC