Home NATIONWIDE Abogado ni Guo umaasa, dismissed mayor susuko sa lalong madaling panahon

Abogado ni Guo umaasa, dismissed mayor susuko sa lalong madaling panahon

MANILA, Philippines – Umaasa ang abogado ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na susuko na ito sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Stephen David, nakausap niya si Guo noong Huwebes, ngunit hindi na nagsabi pa ng kinaroroonana nito.

“Hindi naman natin alam kung nasa Indonesia siya pero ako, I’m very hopeful na meron akong negotiation for her to face the court, to surrender and I believe in a very near future, sooner than we expect darating siya at haharap. I don’t think kailangan pa ngang maaresto o mahuli,” ani David.

Aniya, kumpiyansa ito na madedepensahan nila si Guo sa korte.

Dagdag pa, nababahala rin umano ang alcalde sa kanyang seguridad.

“She’s very cooperative, meron lang daw siyang agam-agam sa kanyang seguridad. I’m working on that. Gusto lang niya talaga ipagpatuloy namin ang depensa sa kanyang kaso,” dagdag ni David.

Ayon sa mga awtoridad, nasa labas na ng bansa si Guo mula pa noong Hulyo 18.

Sa kabila nito, sinabi naman ng isang abogado na si Elmer Galicia na nakita niya si Guo sa Bulacan noong Agosto 14. RNT/JGC