MANILA, Philippines – Halos nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ang nakumpiska mula sa 36-anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Agus-Proper, Barangay Agus, Lapu-Lapu City, nitong Huwebes, Agosto 22.
Ang lalaki na kilala bilang si “Dencio” ay residente ng Sitio Atabay na naaresto sa operasyon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christian Torres, spokesperson ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), ikinokonsidera si Dencio bilang
high value individual sa police watchlist ng drug personalities sa lungsod.
Ani Torres, nakapagdidispatsa ang suspek ng isang kilo ng shabu sa loob ng isang linggo at ibinibenta ang mga ito sa Cebu at Lapu-Lapu City.
Samantala, sinabi ni Police Captain Rachel Dumangeng, information officer ng LCPO, na ang suspek ay naaresto matapos makabili ang police poseur-buyer ng piraso ng heat sealed transparent plastic pack na naglalaman ng shabu.
Nakumpiska ng pulisya sa suspek ang 195.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.3 milyon.
Narekober din ang isang coin pouch, marked money, at P1,000 cash.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. RNT/JGC