Home NATIONWIDE Abogado ni Quiboloy sa pulisya: Harassment tigilan na, umalis sa KOJC compound

Abogado ni Quiboloy sa pulisya: Harassment tigilan na, umalis sa KOJC compound

127
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang abogado ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy nitong Sabado ng hapon, Agosto 24, sa pulisya na tigilan na umano ang harassment at umalis na sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

“Ang warrant of arrest po ay hindi po siya lisensya para gawin itong continuous harassment against the accused. Yun po ang aming stand,” pahayag ni Attorney Israelite Torreon.

“Wala silang search warrant, warrant of arrest lang po, kaya sabi po namin baka pwede na po tigilan ito kasi more than eight hours na po sila dito, at hindi po nila nakita si Pastor Apollo,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nagkampo ang daan-daang tauhan ng pulisya sa KOJC compound sa Davao City nitong Sabado ng umaga para magsilbi ng arrest warrant kay Quiboloy.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, at Discrimination Act and under Section 10(a).

Nahaharap din ito sa non-bailable qualified human trafficking charge sa ilalim ng Section 4(a) ng Republic Act No. 9208. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here