Home NATIONWIDE SEC nagbabala sa mga mangungutang vs lending scams

SEC nagbabala sa mga mangungutang vs lending scams

MANILA, Philippines – Nagbabala ang opisyal mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa pagkalat ng mga pekeng online lending apps.

Ayon kay Kenneth Joy Quimio, officer in charge director ng SEC financing and lending companies department, ang mga scammer ay nagpapanggap bilang lehitimong kompanya na gumagamit ng listahan ng mga rehistradong kompanya at kanilang mga lisensyang available sa kanilang website.

“These scammers are using those to pretend that they are these companies, when in fact, they are not,” ani Quimio sa panayam sa radyo.

“Many or most scammers do not have a physical office. If they only have virtual offices then they cannot be visited. Don’t transact with them. Choose the ones that have offices that can be visited,” dagdag pa niya.

Ani Quimio, importante rin na ikonsidera kung ang contact number o email address sa mga app o website ng online lending companies ay nakokontak.

“If the phone numbers that were declared to us do not answer calls, do not borrow from them because, most likely, if there are problems, it won’t be entertained,” sinabi ni Quimio.

Sinabi ng SEC official na mayroong nasa 4,700 registered financing at lending companies sa Pilipinas ngayong araw, kung saan 170 ang mayroong sariling online lending apps.

Nag-isyu na ang SEC ng cease and desist orders sa nasa 81 kompanya sa paglabag sa regulatory requirements, at iba pa. RNT/JGC