Home NATIONWIDE Kaso vs may-ari ng MV Mirola 1 inihahanda na ng PCG

Kaso vs may-ari ng MV Mirola 1 inihahanda na ng PCG

94
0

MANILA, Philippines – Nasa proseso na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng paghahain ng administrative case laban sa may-ari ng marine vessel Mirola 1, na nabalahaw sa dagat na sakop ng Mariveles, Bataan.

Matatandaan na nagdulot pa ang insidente ng oil leak sa lugar.

Ayon kay Lieutenant Commander Michael John Encina, Coast Guard Bataan Station commander, pinadalhan na nila ng liham ang may-ari ng MV Mirola 1 na kinilalang si Mary Jane Ubaldo, para sa adjudication ng kaso.

“Sa amin po sa Philippine Coast Guard, we are primarily focused on the violation and the safety standards na na-commit po nito at pagtakas po nito sa custodial ship ng coast guard natin sa Navotas,” ani Encina.

Sa ulat, tumakas ang MV Mirola 1 mula sa Navotas port at naglayag patungong Bataan nang hindi humihingi ng clearance mula sa PCG.

Kalaunan ay sumadsad ito sa Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles noong Hulyo 23.

Matagumpay naman na nahatak ang barko at nadala sa shipyard sa Barangay Alas-Asin, Mariveles.

“MV Mirola 1 is already stable,” ani Encina.

“Definitely, si Mirola po is already contained na. We are now in the process ng kanyang administrative case.”

Ipinatupad na rin ang security measures para sa barko.

“Napaligiran na po natin ito ng oil spill boom just for containment purposes at for any expectation na…though wala na po itong oil or langis sa loob, it is also part of our security measures para hindi po basta-basta makakaalis ‘yong barkong ‘yan,” aniya.

Samantala, nagpapatuloy naman ang hakbang para makontrol ang oil spill para sa dalawa iba pang barko na lumubog sa dagat ng Bataan noong Hulyo dahil sa masamang panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here