Manila, Philippines – Sa X (dating Twitter) idinaan ni Suzette Doctolero ang kanyang panawagan sa mga viewers na tangkilikin ang Pulang Araw.
Ang Pulang Araw ay ang historical action series sa primetime block ng GMA.
Bukod sa free TV, mapapanood din ito sa Netflix.
Katapat ito ng Batang Quiapo ni Coco Martin.
Nag-isyu ng desperadong panawagan si Doctolero matapos maalarma ang buong produksyon sa nakuhang single digit rating ng Pulang Araw vis a vis BQ.
“Oy, mga viewers, lambing naman…ayos lang manood ng Pulang Araw sa Netflix pero nood naman kayo sa free TV kahit buksan n’yo lang,” post ni Doctolero, head writer ng serye.
Sinisisi naman ng ilang netizens ang pananapat ng GMA sa ABS-CBN sa online platform kahit meron namang prangkisa ito, na wala ang kabilang channel.
Bukod dito, ipinunto rin ng mga netizens ang nakakaantok na historical series kumpara sa maaksyong BQ.
Another point raised ay ang umano’y epekto ng kaso ni Sandro Muhlach laban sa dalawang contractual talents ng network.
Ang TV ratings ang pinagbabasehan ng tagumpay–o kabaligtaran nito–ng isang palabas, na ginagawang basis ng mga advertisers. Ronnie Carrasco III