Home NATIONWIDE Mga biktima ng human trafficking sa KOJC, hinikayat ng DOJ na lumantad...

Mga biktima ng human trafficking sa KOJC, hinikayat ng DOJ na lumantad na

133
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Agosto 26 sa mga biktima, mga pamilya at mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na lumantad na matapos masagip ng Philippine National Police sa KOJC compound nitong weekend ang hinihinalang mga biktima ng human trafficking.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga hinihinalang biktima na nasagip ay isang 21-anyos na lalaki mula Samar at isang babae mula Midsayap, Cotabato.

Sa pahayag, pinuri ni Remulla ang PNP sa pagsagip at pagsisigurong ligtas ang mga biktima at kanilang mga pamilya sa pangangalaga ng pulisya.

Kasalukuyang sinusuri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng human trafficking.

Nanawagan si Remulla ng “stronger collaboration” sa pagitan ng DOJ, PNP, DSWD at Inter-Agency Council Against Trafficking “to ensure airtight cases against the… human trafficking menace.”

Nahaharap si Quiboloy at mga kasamahan nito sa mga reklamong paglabag sa Republic Act No. 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na dinidinig sa korte sa Quezon City.

Nahaharap din ito sa nonbailable na reklamong qualified human trafficking sa Pasig City court. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here