Home SPORTS Jackie Chan torchbearer sa pagbubukas ng Paralympics 2024SPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Jackie Chan torchbearer sa pagbubukas ng Paralympics 2024August 27, 2024 11:122100 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Itinalaga si Hong Kong-born martial arts actor Jackie Chan bilang torchbearer sa opening ceremony bukas ng Paralympics sa Paris, France.Naatasan ang 70 anyos na martial artist na magdala ng Paralympic torch sa Paris at ipaparada ito ilang oras bago ang nakatakdang opening ceremony.Matatandaang unang sinindihan ang Paralympic flame noong araw ng Sabado sa United Kingdom, ang kinikilalang birthplace ng Paralympic Games.Ibiniyahe ito mula UK papuntang France sa pamamagitan ng Channel Tunnel sa pangunguna ni wheelchair fencing medalist Emmanuelle Assmann.Base sa ulat, darating sa Paris ang naturang torch sa Miyerkules (oras sa France) sa opening ng Paralympics sa araw ding iyon.Sisipa ang opening ceremony ng Paralympics sa Stade de France, kasama ang magarbong athletes parade sa ilang bahagi ng central Paris.Mahigit 4,400 atleta ang maglalaban sa 22 sports sa paralympics na nakatakda mula Aug 28 hanggang Sept. 8, 2024 .Sa edisyong ito ng Paralympics, mayroong 549 medal na paglalabanan ng mga atleta.JC