Home NATIONWIDE Alituntunin sa paghahain ng COC, CONA ipalalabas ng Comelec ngayong linggo

Alituntunin sa paghahain ng COC, CONA ipalalabas ng Comelec ngayong linggo

140
0

MANILA, Philippines- Nakatakdang maglabas ng alituntunin ang Commission on Elections (Comelec) para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa 2025 national and local elections (NLE) ngayong linggo, ayon sa isang opisyal nitong Martes.

Ayon kay Comelec spokesperson John Red Laudiangco, unang ilalabas ang guidelines sa paghahain ng COC at CONA ngayong linggo.

Sinabi ni Laudingco na nakasaad dito lahat ng gagawin mula sa format ng COC at sa filing ng COC mula Oktubre 1 hanggang 8.

Ang paghahain ng COC para sa May 2025 midterm elections ay itinakda sa Oktubre 1 hanggang 8, 2024.

Ayon kay Laudiangco, kabilang sa bagong patakaran sa ilalim ng Comelec resolution ay ang pagbabawal ng substitution ng kandidato matapos ang huling araw ng filing period.

Samantala, sinabi ni Chairman George Garcia na kabilang sa guidelines ang pagpayag ng aspirants na ilathala ng Comelec ang kani-kanilang COCs sa poll body website.

Noong Hunyo ay inaprubahan ng Comelec en banc ang panukalang i-upload ang mga isinumiteng COC at CONA sa kanilang website. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here