Home ENTERTAINMENT Maria Ozawa, mas bet ang Pinoy na jowa!

Maria Ozawa, mas bet ang Pinoy na jowa!

247
0

Manila, Philippines- Aminado ang Japanese-Canadian actress na si Maria Ozawa na marami siyang pinagdaanan bago pa man siya nakilala sa adult entertainment industry.

Aniya, pumasok daw siya sa nasabing industriya dahil sa udyok ng ilang kaibigan na nasa ganoong trabaho.

Dahil nasa hospitality business daw siya, naging madali raw naman para sa kanya ang maka-penetrate sa porn industry.

Noong nagsimula na raw siyang gumawa ng porn movies ay nilayuan siya ng mga kaibigan.

Pinandirihan at iniwan din daw siya ng ilan.

Katunayan, hindi rin daw naging maganda ang relasyon niya sa kanyang mga magulang na kontra sa kanyang paghuhubad.

Hirit pa niya, noong maging porn star daw siya, hindi raw siya aware na ganoon pala siya kasikat sa Pilipinas lalo na sa mga kalalakihan.

Aniya, iniwan daw niya ang porn industry sa Japan dahil takot siyang malaos.

“I wanted to quit the industry while they still know about me or when they’re still talking about me. ‘Cause how am I supposed to prove anything if I’m not famous anymore?” aniya.

Dagdag pa niya, napadpad daw siya ng Pinas nang imbitahin siya ng mga kaibigang Pinay na bisitahin ang bansa noong 2014.

Nakatulong din daw ang pananatili niya sa bansa para lumawak ang network niya para sa kanyang negosyo.

Hindi naman niya ikinaila na minsang naglaro sa isip niya na mahihirapan siyang makatagpo ng lalakeng magseseryoso sa kanya dahil sa kanyang background.

May mga pagkakataon din daw na naging struggle sa kanya ang pakikipagrelasyon sa mga lalake.

Sey pa niya, marami rin daw siyang natutunan sa relasyon nila ng ex na Pinoy chef na si Jose Sarasola.

Sa kasalukuyan ay single si Maria.

Hindi raw naman siya naghahanap ng lalake pero kung darating daw ang panahon na muli siyang magkakaroon ng relasyon, gusto raw niya ay iyong guy na supportive at nauunawaan ang kanyang pagkatao at trabaho.

Bet din daw niya ang Pinoy lover kesa ibang lahi.

Si Ozawa ay kasama sa cast ng “Pulang Araw” kung saan ginagampanan niya ang papel ng nanay ni Hiroshi na binibigyang-buhay ni David Licauco. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here