Home NATIONWIDE Reklamo vs Shiela Guo, Cassandra Li Ong naisampa na – DOJ

Reklamo vs Shiela Guo, Cassandra Li Ong naisampa na – DOJ

103
0

MANILA, Philippines – Naihain na ang mga reklamo laban kina Shiela Guo, ang pinaniniwalaang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at Cassandra Li Ong, ang authorized representative ng ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Sa ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inihain ang mga reklamo nitong Martes, Agosto 27 sa korte sa Pasay.

“Filed na ‘yun, filed na,” ani Remulla.

Nang tanungin kung saan isinampa ang mga reklamo, ang sagot niya ay “Pasay.”

Si Guo ay sinampahan ng reklamong paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code para sa Disobedience to Summons na inisyu ng Senado maging ang paggamit ng pekeng Philippine passport, na batay sa rekomendasyon ng National Prosecution Service.

Samantala, si Ong naman ay sinampahan ng reklamong disobedience to summons na inisyu ng Kamara at obstruction of justice dahil sa pagtulong, pag-aayos at pangangasiwa sa pagtakas ng isang kriminal.

Ang dalawa ay naharang sa Indonesia noong nakaraang linggo at pinauwi sa bansa para humarap sa dalawang magkahiwalay na imbestigasyon.

Si Shiela Guo, na iniulat na isang Chinese citizen na ang pangalan talaga ay Zhang Mier, ay nagbigay ng impormasyon na nagsasabing si Alice Guo at ang kanilang kapatid na si Wesley Guo ay umalis ng bansa sakay ng ilang bangka at nagkita umano sila sa Malaysia na.

Sa kabila nito, nakikita ni Remulla na ‘unreliable’ ang pahayag na ito ni Guo at hindi sapat na batayan para siya ang maging state witness.

Samantala, ang mga reklamo ng falsification laban kina Guo at Ong ay ini-refer na sa National Bureau of Investigation at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa case build-up at mas malalim pang imbestigasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here