Home METRO Sunog sumiklab sa Baseco, Bagong Barrio

Sunog sumiklab sa Baseco, Bagong Barrio

111
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Baseco compound at Bagong Barrio, Caloocan nitong Huwebes, Agosto 29.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, ang sunog ay sumiklab malapit sa Atienza Elementary School na umabot sa unang alarma 11:14 ng umaga at ikalawang alarma pagsapit ng 11:16 ng umaga.

Kalaunan ay idineklara itong “fire out” ng mga rumespondeng bumbero pagsapit ng 11:51 a.m.

Samantala, sumiklab din ang sunog sa Caloocan na itinaas sa unang alarma 10:05 ng umaga at idineklarang fire under control pagsapit ng 10:52 ng umaga.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa dalawang magkahiwalay na insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here