MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Space Agency nitong Martes, Setyembre 3, ang paglulunsad ng long March 4B rocket mula sa Xichang Satellite Launch Center sa Sichuan province sa China.
Kasabay nito ay ibinabala ang banta ng debris sa projected drop zone sa layong mahigit isang daang nautical miles sa dalampasigan ng Cagayan province.
Nag-isyu ang PhilSA ng pre-launch report sa mga ahensya ng pamahalaan at mga awtoridad kung saan inaasahang babagsak sa lugar sa paligid ng 368 nautical miles (681.5 km) mula sa Sta. Ana, Cagayan at 318 NM (589 km) mula sa Catanduanes ang naturang debris.
Ang mga bahagi ng rocket ay naka-disenyo na ilaglag habang ang rocket ay papalabas na sa atmospera ng mundo.
“While not projected to fall on land features or inhabited areas, falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone,” ayon sa PhilSA.
Posible ring ilapit ng currents ng dagat ang debris papalapit sa baybayin.
“Additionally, the possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time,” dagdag pa.
Hinimok ng PhilSA ang publiko na ireport ang hinihinalang rocket debris sa mga awtoridad para sa tamang retrieval dahil “these materials that may contain remnants of toxic substances such as rocket fuel.” RNT/JGC